Ano Ang Hamon Ng Iyong Pangarap?
Ano ang hamon ng iyong pangarap?
Maraming mga hamon sa aking pangarap. Baka ang ilan ay may kaugnayan sa aking mga sasabihin:
1. Kulang sa pinansiyal. Kailangan ng malaking pagsasakripisyo upang maabot ang pinansiyal na kailangan pero wala akong sapat na kapital para dito.
2. Ang panahon ay kulang na. Baka ngayon mo lang napag-isipan kung kailan kulang na ang panahon mo para magawa ang lahat ng hakbangin. HIndi mo na din mahihintay ito.
3. Hindi ito sinusuportahan ng iyong mga magulang o kaibigan. Kasi kung wala sila, mahihirapan kang maabot ito. Baka nga sila pa ang humahadlang.
4. Hindi ito tanggap sa inyong lipunan kaya nakatatanggap ka ng diskriminasyon.
5. Hindi kaya ang iyong negatibong mga katangian ang hamon? Anu-ano ang ilan sa mga ito? Walang pagpipigil sa sarili na gawin ang nakahiligan at salungat ang iyong hilig sa iyong pangarap. Mahilig kang magsalita ng mga kompidensyal ngunit iyon mismo ang napakalaking bahagi ng iyong pangarap, ang manatling tahimik. Kailangan mong magsipag pero sa simula ka lamang mainit sa paggising at pagpapagod.
Ang mga bagay na ito ay karaniwang nagiging hamon. Pero pansinin mo, puwede pa itong mabago o mabawasan. Bakit hindi isulat ang espisipikong hamon mo, maging ang mga puwede mong gawin upang alisin ito o bawasan ang epekto nito. Baka kasi hindi naman kasing lala kapag ginawa mo ito ng paraan at maabot mo pa din ang pangarap mo.
Comments
Post a Comment