Ibong Adarna, Ano Ang Maging Epekto Ng Panaginip Ng Hari Bakit Kaya Labis Niyang Dinamdam At Naging Sanhi Pa Ng Kanyang Pag Kaka Sakit Ang Panaginip N
Ibong adarna
ano ang maging epekto ng panaginip ng hari bakit kaya labis niyang dinamdam at naging sanhi pa ng kanyang pag kaka sakit ang panaginip na yon?
Ang naging epekto ng panaginip ng Hari ay ang pagkakaroon niya ng sakit na hindi malaman ng kahit sinong magagaling na manggagamot sa kanilang kaharian ang sanhi nito. Kung kayat nawalan nang pag-asa ang lahat na gagaling pa ang hari at tuluyang nawala ang sigla sa kaharian ng Berbanya. Hanggang sa isang manggagamot ang tumingin sa hari at sinabi na ang sanhi ng kanyang pagkakasakit ay ang kanyang naging panaginip kung saan itinapon daw sa balon ng dalawang tampalasang lalaki ang kanyang bunsong anak na si Don Juan na masyadong dinamdam ng hari. Ngunit sinabi ng matanda na may lunas pa sa sakit nito, ito ay ang awit ng Ibong Adarna.
Comments
Post a Comment