Saan Ang Tagpuan Sa El Fili Kabanata 9,At Ani Ang Nangyari

Saan ang tagpuan sa el fili kabanata 9,at ani ang nangyari

El Filibusterismo

Kabanata 9: Ang mga Pilato

Tagpuan:

Ang kabanatang ito ay naganap sa bayan ng San Diego kung saan matatagpuan ang mga taong may kinalaman sa pagkaka lugmok ng pamilya ni kabesang Tales sa lahat ng kamalasan nila sa buhay. Sa lugar kung saan naging labis ang pagdurusa ng isang matanda na ang tanging hangad ay mamuhay ng mapayapa sa piling ng kanyang pamilya. Sa lugar kung saan hindi nabigyan ng tamang pagtrato ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang kasipagan at kabutihan.

Pangyayari:

Sa kabanatang ito ipinakilala ng may - akda ang lahat ng mga taong may kinalaman sa mga kasawian ni kabesang Tales. Ipinakita dito kung paanong ang alperes ay naging bahagi ng pagdakip kay kabesang Tales ng mga tulisan. Ganun din ang pagkagalit ni kabesang Tales sa asendero na umagaw sa kanyang lupa at sa matandang madasalin na si Hermana Penchang na nanamantala sa kamusmusan ng kanyang anak na si Huli ng gawin itong alila upang mabayaran ang perang inutang mula dito. Ang lahat ng mga taong ito ay nagbigay kay kabesang Tales ng mga suliranin na hindi na kinaya ng utak niya tanggapin kaya naman maging siya ay napipi na ring tulad ng kanyang ama na si tandang Selo.


Comments

Popular posts from this blog

What Is A Bar Graph?

10 Halimbawa Ng Paghihimig

Ano Ang Solusyon Upang Maging Doctor?